Think Before You Click
Maraming mga tao ang nahuhumaling sa internet ngayon. Napaka-powerful ng social media kaya responsabilidad ng mga magulang na sabihan ang mga anak na sa kanilang mga pino-post sa online. Dahil dapat maintindihan ng mga bata na kung anoman ang kanilang ilalagay sa kanilang account sa social media ay panghabang buhay na ito at maging ang masamang epekto nito sa kanilang pagkatao. Marami na ang napahamak na kabataan sa simpleng pagpo-post ng mga pictures o pagsa-shout out ng kung anu-anong bagay. Buong akala na hindi mali-link sa iba ang mga inilalagay sa kanilang social media account. Pero kahit ilang taon pa ang lumipas ay maaari pa ring ma-access ng mga kaibigan, classmates, potential employer, insurance agency, maging ng mga future husband, anak, at apo ang mga pinagpo-post sa online kung kaya't dapat bago magpost ng kung ano ano isipin muna natin and idudulot nito.
Comments
Post a Comment