How to be contented with your life
Bawat isa ay may sariling hangarin sa buhay, bawat tao'y may sariling pangarap na nais maabot, bawat isa'y nais magkaroon ng marangyang buhay. Nais ng lahat ang maging maligaya kung kaya't lahat ng kaya nilang gawin ay gagawin nila maging maligaya lamang. Ngunit pagtapos ba ng lahat ng ito, pagtapos ba nating makamit ang ating mga nais magiging lubusang masaya na ba tayo? makukuntento na ba tayo sa ating buhay? Maaari nga ba talaga tayong makuntento sa ating buhay? Paano ba tayo makukuntento sa mga tinatamasa natin? Paano ba makuntento sa buhay? Ang mga tao, simula pa noon ay sadyang walang kakuntentohan, paano ko nasabi? Ganito, pag ang tao kulot magpapatuwid ng buhok, kapag naman tuwid na ang buhok magpapakulot naman, kapag ang tao payat magpapataba, kapag mataba naman na magpapapayat naman. May ilan naman na mayaman na nga't lahat nais pang magpakayaman pang lalo at meron din namang iba na may kapareha na nga, may kasintahan na nga, may nagmamahal na nga naghanap pa ng iba, bakit? Dahil nais daw nilang makahanap ng mas maganda, mas mabait, mas 'better' at mas karapat dapat daw para sa kanila, di sila nakuntento sa pagmamahal na ibinibigay nito sa kanila at naghangad pa sila ng iba kung kaya't iniwan nila ang taong tunay na nagmamahal sa kanila at humanap ng taong akala nila ay mas lalong magpapasaya sa kanila at sa kanilang paghanap ng ibang tao ay nawala ang taong tunay na nagmamahal sa kanila kaya ang nangyari ay nagsisi lamang sila as huli. Sa panahon noon kahit ngayon naman, ang mga tao'y mahilig maghangad, kapag merong bago ang kapwa nila gusto nila sila rin kahit na labis labis na ang meron sila di parin sila makuntento, pilit parin silang naghahangad ng kung ano ano. Bakit nga ba ganyan ang mga tao, bakit wala silang kakuntentohan? Ang sagot, inggitero kasi ang mga tao, at hindi lang yun, makasarili rin, gusto nilang laging higitan kung anong meron ang kanilang kapwa kaya kahit na sapat na ang nasa kanila naghahangad parin sila ng iba. Paano nga ba makuntento? Ang pagigingkuntento ay makakamit sa pamamagitan ng pagiging masaya sa mga bagay na meron ka at pagiging masaya at mapagpasalamat kahit sa mga maliliit na bagay, dapat ding matuto ang tao na magpahalaga sa mga bagay na nakapaligid sa kanya at higit sa lahat ay matuto tayong tumawag sa Dios, dahil sya lang ang makapagbibigay sa atin ng ating tunay na kaligayahan. Dapat nating ialay sa Dios ang ating mga sarili upang ibigay nya satin ang mga bagay na makapagtuturo satin na maging kuntento sa kung anong meron tayo, iwaksi rin dapat natin ang inggit at wag nating ituon ang sarili natin sa mga makamundong bagay dahil wala itong maitutulong sa atin pag dating ng panahon. Wag din nating hanapin sa iba ang mga bagay na wala tayo at matuto tayong magpasalamat nalang sa kung anong meron tayo. Tanong ng nakararami, maaari nga ba talagang makuntento ang tao sa kanyang buhay? Ang sagot? Oo, sa tulong ng Dios. Kung matututo tayong magpasakop sa kanya at kung lagi natin syang pagkakatiwalaan at kung iwawaksi din natin ang inggit sa ating katawan at maging masaya tayo kahit sa maliliit na bagay lang, tiyak na makakamit natin ang kakuntentuhan sa ating buhay.
Comments
Post a Comment