Lust vs. Love



Sinasabing ang lahat ng bagay ay nabuo o nanggaling sa pagibig, lahat bagay ay mula sa pagibig, tayo ay mula sa pagibig. Ngunit kung gayon nga'y pati ba ang pagnanasa (lust) ay nabuo at galing din sa pagibig? Ano nga ba ang pagibig? Saan ito galing? Sino ang may gawa nito? Eh ang pagnanasa, ano ba ito? Saan ito nanggaling? Bakit nagkakaroon nito? At ano ba ang pinagkaiba ng pagnanasa (lust) sa pagibig? Ayon sa biblia 1 Mga Taga-Corinto 13:4-7 MBB05 “4Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man, 5hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa. 6Hindi niya ikinatutuwa ang gawaing masama, ngunit ikinagagalak ang katotohanan. 7Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at mapagtiis hanggang wakas.” Ayon din sa biblia ang Dios ay pagibig, samakatwid ang pagibig ang pinakamakapangyarihang bagay sa buong daigdig at kung ang isang tao'y di marunong umibig ay di nya kilala ang Panginoong Dios. Mangmang lamang ang taong di marunong magmahal pagkat pagibig ang dahilan ng lahat ng bagay, pagibig ang dahilan kung bakit tayo nabuhay at patuloy na nabubuhay, kung bakit tayo maligaya, bakit umiikot ang mundo, kung bakit my kulay ang ating buhay, kung paano tayo natutong magsakripisyo at maging matatag, kung paano natin patuloy na nalalagpasan ang lahat ng pagsubok na dumarating sa ating buhay, kung paano paulit ulit na naghihilom ang sugat sa ating mga puso kahit paulit ulit din itong nasusugatan, at higit sa lahat kung paano ito paulit ulit na lumaban kahit na pagod na ito. Ang pagibig ay mula sa ating Dios, bawat tao sa buong mundo ay tinuruan ng Dios kung paano magmahal. Npakabuti ng pagibig kaya lamang sa sobrang pagiging makapangyarihan nito nagagamit ito ng ibang tao sa maling paraan. Dapat ang pagibig ay naipapakita/ naipaparamdam ng tao sa kanilang kapareha/ kapwa sa pamamagitan ng pagrespeto, paggalang, pag ingat, pagsasakripisyo para rito, pagtitiis, pagintindi, at pagpapanatiling malinis at puro (pure) sa kanilang kapareha hanggang sa maiharap ito sa altar. Ngunit kung ang pagibig ang pinagmulan ng lahat tama ba na ang pagnanasa ay galing din dito? Ano nga ba ang pagnanasa(lust)? Kung ang pagibig ay pagsasakripisyo at pagtitiis ang pagnanasa(lust) ay kabaligtaran nito dahil ang pagnanasa ay masyadong paghahangad ng isang bagay na kaya nitong isaalang alang ang lahat ng kanyang nasa paligid makuha lang ang kanyang nais, wala itong pakialam kung may masasaktan man ito, wala itong pagtitiis, at hindi ito marunong magsakripisyo. Puro ito kahalayan, karumihan, kasakiman at kasamaan. Hangad lamang nitong mapunan ang kanyang pansariling pangangailangan at kagustuhan. Hangad nitong mapatid ang uhaw ang kanyang uhaw sa pakikipagtalik. Dinudungisan nito ang katauhan ng isang tao at inilalayo ang tao sa Dios. Ang pagnanasa ay labag sa kautusan ng Dios samakatwid ito ay di gawa ng Dios kung kaya't ito ay di galing/ di nabuo sa pamamagitan ng paibig, ito ay isang makamundong bagay na nabuo dahil sa pagiging sakim. Hindi pagmamahal o pagibig ang tawag pag hindi marunong magtiis, umintindi at rumespeto ang isang tao at kapag kanyang pinipilit na dungisan ang katawan at pagkatao ng kanyang kapareha/ kapwa, labis na pagnanasa ito o 'lust' sa ingles, malayo sa tinatawag na pagibig pagkat ito'y sakim, masama at puro kahalayan, layon lamang nitong saktan ang tao at ilayo as Dios. Walang pagtitiis at pagtitiyaga ang pagnanasa kabaligtaran ito ng pagibig kung kayat kung nais mo ang tunay na pagibig matuto kang maghintay ng tamang panahon at pagkakataon para sa tamang tao para sa iyo.

Comments

Popular posts from this blog

How to be contented with your life

Think Before You Click