Lust vs. Love
Sinasabing ang lahat ng bagay ay nabuo o nanggaling sa pagibig, lahat bagay ay mula sa pagibig, tayo ay mula sa pagibig. Ngunit kung gayon nga'y pati ba ang pagnanasa (lust) ay nabuo at galing din sa pagibig? Ano nga ba ang pagibig? Saan ito galing? Sino ang may gawa nito? Eh ang pagnanasa, ano ba ito? Saan ito nanggaling? Bakit nagkakaroon nito? At ano ba ang pinagkaiba ng pagnanasa (lust) sa pagibig? Ayon sa biblia 1 Mga Taga-Corinto 13:4-7 MBB05 “4Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man, 5hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa. 6Hindi niya ikinatutuwa ang gawaing masama, ngunit ikinagagalak ang katotohanan. 7Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at mapagtiis hanggang wakas.” Ayon din sa biblia ang Dios ay pagibig, samakatwid ang pagibig ang pinakamakapangyarihang bagay sa buong daigdig at kung ang isang tao'y di marunong umibig ay di nya